Untitled

CHAPTER 1

IPINARADA ni Alex ang bigbike sa tabi ng daan, malapit sa malalagong mga halaman upang maitago iyon. Mula sa kinatatayuan ay tinanaw niya ang malaking bahay-kastila sa kanyang harapan. Napapaligiran iyon ng mataas na pader subalit nakalitaw pa rin ang ikatlong palapag at ang bubungan nito.

The old house remained elegant despite of it being antiquated. Siguro ay maayos na naaalagaan iyon ng may-ari. The design was noticeably Hispanic. Mula sa malalapad na bintanang Capiz na may sinaunang disenyo hanggang sa pabilog at eleganteng poste ng balcony.

Mula sa bulsa ay hinugot niya ang isang gadget that looked like a cellphone. Subalit isa iyong mini-laptop. At mula doon ay pinanood kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay. Lampas alas dos na ng madaling araw.

Ang bahay-kastila na kailangang mapasok niya ay nakatayo mismo sa tabi ng main highway at sa isang commercial area sa Downtown Davao City. Katunayan ilang metro malapit dito ay ang ilang restaurant at bars na kanina lamang ay puno ng mga tao. Katatapos lamang magsara ng mga establishimentong iyon kaya halos ay wala ng tao sa paligid.

Iyon ang oras na hinihintay niya upang maisakatuparan ang balak. Mula sa hawak na mini-laptop ay nakita niyang wala ng taong gising sa loob ng bahay. Noong isang gabi ay palihim na pumasok siya sa loob ng bahay and planted spy cameras in each corner in every floor so she can monitor and study the inside of the house. Nalaman niyang dalawang katulong ang nakatira doon at isang lalaking pilit man niyang balewalain ang pisikal na anyo ay hindi maipagkakailang isang matikas at guwapong lalaki.

Kaagad na itinaboy niya sa isipan ang imahe ng lalaking natunghayan niya sa monitor habang sinusubaybayan niya ang mga pangyayari sa loob ng bahay buong araw. Hindi ang lalaki ang sadya niya doon and she did not need any distraction. Kailangang maisakatuparan niya ng maayos ang kanyang misyon. She could not afford any miscalculation at nakasalalay sa lakad niya ngayong gabi ang mga susunod na gagawin. She needed to have her focus and should remain grounded.

Alam na niya kung saan ang sadya niya sa loob ng bahay na iyon. She needed to go inside the Master’s Bedroom. Kung saan naroroon ang antigong grand father’s clock, ang sadya niya sa pamamahay na iyon. She silently groaned in the thought that the room was occupied at the moment. At mula sa pinapanonood ay kitang-kita niya ang nakadapang bulto ng malaking lalaking tulog, naked in his birth suit.

His well built body was a sight she could not bear to miss. And Alex found herself mesmerized looking at the male body who looked lean all over. Muscled in the perfect places. Malapad ang balikat nito and he was big enough to almost occupy the antique king size bed. Her gaze stopped to his sexy butt, and she swallowed hard.

Gusto niyang maeskandalo sa nakikita ngunit binalewala niya iyon. There should not be any distraction that can ruin her mission. This is so precious to her that she could not afford to miss.

Hinamig niya ang sarili at tuluyang isinuot ang itim na bonnet. She was wearing her spy suit, black stretchable pants and black leather jacket. Suot din niya ang kakaibang sapatos na hindi nakakagawa ng ingay tumakbo man siya ng mabilis. Lumapit siya sa pader at itinago ang sarili sa mayabong na halaman na nakatanim sa gilid ng pader. Kinuha niya ang nakasukbit na animo ay baril sa kanyang baywang, aimed the branch of an Acacia tree na nasa tabi lamang ng bahay and pulled the trigger. Isang manipis ngunit napakatibay na lubid ang lumabas doon at umangkla sa sanga ng puno. Na siyang ginamit niya upang makaakyat sa mataas na pader hanggang umabot siya sa puno ng acacia.

Mula sa puno ay lumundag siya sa balcony na nasa ikatlong palapag ng bahay. Gamit ang isang susi na kayang buksan ang lahat ng kandado at lock ay binuksan niya ang pintuan. Kadiliman ng gabi ang sumalubong sa kanya. She put on her night vision spectacles. Pagkatapos ay hinugot ang baril na nakakabit sa kanyang hita. Hindi iyon tunay na baril but a tranquilizer. At sa tiyak na mga hakbang ay tinungo ang Master’s Bedroom.

Maingat na pinihit niya ang seradura ng pinto. Isang malakas na singhap ang pinigilan niyang pakawalan ng mabuksan ang pintuan at makita sa malapitan ang hubad na katawan ng lalaki sa kama. Mula sa malamlam na liwanag na galing sa lamp shade ay mistulang isang natutulog na pagan god ang lalaki. His bronzed and athletic figure looked delicious. And the mound of his butt looked so sexy. Oh well, he has the sexiest butt she had ever seen.

Kaagad na pinagalitan niya ang sarili ng mamalikmata sa nakita. Definitely hindi iyon ang unang pagkakataong nakakita siya ng katawan ng lalaki. Limang taon din siyang tumagal sa Los Angeles where she constantly visited the beach. Where all the sexy hunks used to roam around in bare trunks.

She pulled her gaze off his body. Wala siyang pakialam sa lalaking ito. Pagkatapos niyang makuha ang sadya sa bahay na ito ay hindi na niya ito muling makikita pa. At kapag natapos na niya ang misyon ay muli siyang babalik ng Amerika. Kung saan naghihintay ang trabaho niya. Buti na lamang at pinayagan siyang magleave ng isang buwan. Iyon ay dahil namatay ang kanyang ina. At katatapos lamang niya sa kanyang misyon. Had she been in an unfinished mission ay hindi siya papayagang makauwi. Ganuon ka demanding ang uri ng trabaho niya.

Maingat na lumakad siya palapit sa antigong grand father’s clock. Nahigit niya ang hininga ng makita ang pendulum niyon. Iyon ang sadya niya. Sa loob ng pendulum na iyon na animo ay isang locket nakatago ang unang clue na magtuturo sa kanya ng susunod na gagawin.

Napapitlag siya sa pagkakatayo ng marinig ang mahinang ungol ng natutulog na lalaki. She aimed the gun at him subalit hindi na ulit ito gumalaw. Nakahinga siya ng maluwag. Muli niyang hinarap ang antigong grandfather’s clock. Mula sa bulsa ay hinugot niya ang isang napakatalim na gunting. Hinawakan niya ang pendulum at ginupit ang tali niyon.

“Hey!”

Patay! Nagising niya ang lalaki! Mabilis na pumihit siya paharap dito upang paputukan ito ng hawak na baril but she lost her focus when she saw him standing gloriously naked in front of her eyes. Mabilis na naglakbay sa kabuuan nito ang paningin niya. Her stare dropped to his masculinity. A gasped came out from her mouth. Why, he already was big despite of the fact that he was not yet erect.

Tumuwid ang pagkakatutok niya ng baril dito ng mahamig ang sarili. Subalit bago pa niya maipaputok iyon ay mabilis na nasipa nito ang kamay niya. Lumipad sa carpeted na sahig ang baril. Mabilis na isinilid niya sa bulsa ang hawak na pendulum at iniumang ang sarili upang labanan ang lalaki. But she could not get her focus. Because his naked body was a temptation and distraction she could not resist.

Well, she had the pendulum anyway. Ang dapat niyang gawin ay tumakas na lamang. She headed to the door. Subalit kaagad na isinara ng lalaki ang pintuan at iniharang ang sarili doon. She looked at the window for alternative. Subalit napapaligiran iyon ng bakal na grills. Kailangan pa niyang paputukan iyon para makalabas siya.

Muli niyang hinarap ang lalaki. At sa kabila ng sitwasyong kinasusuungan ay hindi niya naiwasang pag-aralan ang guwapong anyo nito. He was an obvious mestizo. Matangos ang ilong, bilugan ang abuhing mga mata, makakapal ang kilay, manipis ang mga labi at ang hugis ng mukha ay typical sa mga Caucasians. He was also tall, towering inches above six feet. At malapad ang kaha ng katawan. Though his skin was bronzed and tanned, it added more to his charisma. And dear Lord, but the man was sexily handsome! Puwede itong ihilera sa mga Hollywood hunks sa US. And she felt uncomfortable under his angry, penetrating gaze.

“Remove your bonnet thief!” Maawtoridad na utos nito.

Lihim siyang napamura. If only he could cover his nakedness at hindi ganitong nawiwindang siya sa harapan nito. Nanatili siyang hindi gumagalaw sa harapan ng lalaki. But she was watching his movement. Ngayon ay unti-unti itong gumagalaw patungo sa direksiyon ng baril. At alam niya ang binabalak nitong gawin.

Kailangang maunahan niya ang lalaki. Ngunit mula sa kinaroroonan ng baril ay mas malapit ito. She needed to move quicker than him or she will be dead. Well, hindi siya mamamatay. Subalit masisira ang misyon niya pag nangyari iyon.

She had a real gun in her chest. Subalit hindi niya iyon gagamitin. Ang misyon niyang ito ay makuha lamang ang pendulum at hindi kasali ang pumatay ng isang tao. Malaking lalaki ito but her knowledge in Martial Arts will give her a pretty advantage at hindi na niya kailangang gamitin ang baril. And dear Lord, kung ganito kaguwapo ang kaharap niya ay hindi niya yata kayang patayin ito.

Hey, Alex what is happening to you? Huh, she was in a middle of danger but she still managed to entertain such thoughts in her mind. How foolish of her! Minura niya sa isipan ang sarili and forcefully regained her focus. Hindi siya dapat paaapekto sa lalaking ito kahit gaano pa ito kaguwapo.

Nang umakmang gumalaw ang lalaki upang abutin ang baril ay mas mabilis ang ginawa niyang pagkilos. She made a quick jump at sinipa ang baril palayo. She saw his jaws moved. Subalit nanatiling relax ito. Samantalang siya naman ay mas lalong nadagdagan ang pagkailang. He was moving as if he cared nothing about his nakedness. At gustong-gusto niya itong batuhin ng kumot!

She was ready for his next assault. She was on the defensive side ngunit sanay naman siya doon. She inched her way near the gun. And lalaki ay lumapit din sa direksiyon ng baril. At nang akmang pupulutin niya ang baril ay naging mabilis ang pagkilos nito. Isang malakas na sipa ang tumama sa kanyang paa at natumba siya sa carpeted na sahig. Kasabay ng mahinang pagibik ay mabilis siyang bumangon. Nakita niya ang muling pag-atake ng lalaki subalit nakahanda na siya at kaagad na nakaiwas. Ang mga sumunod na sandali ay palitan ng suntok at sipa. Naiilagan niya ang lahat ng atake nito. At the same time ay naiilagan nito ang mga atake niya. Ngayon ay pareho na silang humihingal.

Sa gilas na ipinakita ng lalaki ay hindi niya maiwasang humanga. He must be a Martial Arts expert upang magawang labanan ang isang tulad niya. She was already a black belter. At kokonti lamang ang mga taong nagagawang lumaban sa kanya.

Nang muling umatake ang lalaki ay muli niyang nailagan ito subalit hindi niya inaasahan ang nangyari. Natagpuan na lamang niya ang sariling bihag nito. He was holding her from the back. And the touch of his naked flesh grilling against her body stirred something from her. Bigla siyang naconscious sa posisyon nila ng lalaki. He was holding her as if yakap siya nito ng mahigpit.

“Now, surrender freely or I’ll wring your neck.”

Ang hininga nitong tumama sa batok niya ay lalong nakadagdag sa mahiwagang damdaming dulot ng pagkakalapat ng kanilang mga katawan. Mariing ipinikit niya ang mga mata upang mabawi ang katinuan. In a swift movement, napakawalan niya ang sarili rito at isang flying kick ang kanyang pinakawalan.

Sapol sa dibdib ang lalaki. Bumagsak ito sa sahig. Iyon na ang pagkakataon niya upang makatakas. Mabilis na tinakbo niya ang pintuan at binuksan iyon. Subalit bago pa man siya makalabas ay naramdaman niya ang pagtama ng isang bagay sa kanyang likod. At kasabay noon ang biglang panghihina ng kanyang katawan. Natumba siya sa sahig at pagkatapos ay nawalan ng malay.

—– ITUTULOY—-


One Response to “Untitled”

  1. I and my friends are dying to read the new chapter

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.